Si OsTon director Dr. Edwin Perez na napanatili ang ISO certification sa nasabing ospital.

ISO Quality Management System, Napanatili ng OsTon

By: Jerry S. Tan

Napanatili ng Ospital ng Tondo (OsTon) ang ISO 9001:2015 Quality Management System certification nito sa nakaraang surveillance audit.
Ayon kay OsTon Director Dr. Edwin C. Perez, ang nasabing tagumpay ay alinsunod ‘commitment’ ng ospital na pagbibigay ng de kalidad na serbisyo at patuloy na pagpapahusay sa lahat ng uri ng serbisyong medikal na ipinagkakaloob sa lahat ng residente ng ikalawang distrito ng Tondo.

Tiniyak ni Perez na sa tulong ng lahat ng mga hospital doctors, nurses, staff at kawani, ang ISO certification ay magsisilbing inspirasyon para ipagpatuloy nila ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng ibayong serbisyo para sa lahat ng mga naghahanap ng tulong.


“Ang ISO accreditation ay ‘di lamang ordinaryong uri ng karangalan ordinaryong award for our hospital but is also a constant reminder of our responsibility to continue serving the communities of Tondo with the highest level of excellence possible,” ani Perez.

Dagdag pa niya: “Ang ISO certification ay isang hakbang patungo sa mas magandang bukas para sa ating mga pasyente, mga empleyado, at ang buong komunidad. Patuloy naming isusulong ang mga inisyatiba upang matiyak ang pinakamahusay na kalidad ng pangangalaga para sa bawat pasyente na tumutungo sa ating ospital.”

Nagbigay din ng pagtitiyak si Perez na sa ilalim ng kanyang liderato, ang OsTon ay patuloy na mag-aalok ng libreng health care services na markado ng tunay na pagmamalasakit.


Ang OsTon ay isa sa anim na pagamutang pinatatakbo ng pamahalaang-lokal ng Maynila.

Samantala, ang ISO certification ay nangangahulugan na ang ospital ay nakapasa sa lahat ng mahigpit na ‘international standards for quality management and patient safety’.




Kabilang sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng ISO certification ay ang ‘ improved quality of care’ para sa mga pasyente nito.


Tags: OsTon director Dr. Edwin Perez

You May Also Like

Most Read