Iginiit ng isang opisyal ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na ang island reclamation project ay magsisilbi na coastal protection,at hindi magiging sanhi ng pagbaha.
Ayon kay PRA assistant general manager Atty. Joseph Literal ,ang coastal projects sa reclamation ,ito ay magsisilbing coastal protection laban sa storm surges at stunamis at hindi magpapaigtung nang pagbaha sa Metro Manila.
Ginawa ni Literal ,ang pahayag kasuniod ng desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na suspendihin ang 22 reclamation projects sa bansa habang nakabinbin ang impact assessment.
“Kung bakit siya mas mataas ang elevation, kasi itong reclamation projects also serve as coastal protection, kasi siya po iyong nasa labas ng Manila Bay,” paliwanag ni Literal.
Sinabi ni Literal na ang Manila Bay reclamation projects ay ginawa pata maka survive sa storm surges at tsunamis at nakatugon sa climate change protections.
Pinabulaanan rin ni Literal na ang Pasay Coastal Development Project ay isang island reclamation na ang Mall of Asia bilang kanilang as its baseline.
Tiniyak rin ni Literal sa publiko na mai-enjoy pa rin nipa ang Manila Bay Sunset sa sandaling makumpleto ang reclamation projects,dahil maglalagay sila ng isang malaking viewing deck sa iba’tbang lokasyon.
“Mas mahaba at mas marami ang pagkakataon ng mga tao sa Metro Manila to view the sunset from a different vantage point. Walang obstruction kasi nandoon na sila mismo sa harap na harap ng Manila Bay,” dagdag ni Literal.
Nilinaw rin ni Literal na 13 lamang sa 22 reclamation projects ang sinuspinde ng DENR sa Manila Bay.
Ito ay hinahawakan ng iba’tbang local government Units(LGUs) , gaya ng Navotas, Manila, Pasay, Paranaque, Las Pinas, Bacoor, at lalawigan ng Cavite.