Latest News

ISKO MORENO, HINOG NA PARA MAGING PANGULO NG BANSA

Ni PHILIPREYES

KUNG sino man ang nagsasabi na napakabata pa ni Manila Mayor Isko Moreno upang maging Pangulo ng Pilipinas ay hindi alam ang kanyang sinasabi dahil sa totoo lang, siya ang maituturing na pinaka-hinog sa lahat ng tumatakbong kandidato para pagka-Pangulo.

Ang 47-anyos na si Moreno ay masasabing bata pa, pero sa larangan ng serbisyo publiko ay hindi siya isang bagito. Ginugol niya ang 23 taon ng kanyang buhay sa public service. (Note si Sen. Manny Pacquiao ay 43 at naging senador na sa halos tatlong taon)


Kada termino sa lokal na posisyon ay binubuo ng tatlong taon at nanalo si Moreno ng tatlong sunod na termino bilang miyembro ng Manila City Council at bilang kinatawan ng pinakamataong distrito ng Tondo. Nagsilbi siya bilang konsehal sa loob ng siyam na diretsong taon.

Nahalal muli bilang Vice Mayor ng Maynila si Moreno sa loob ng tatlong sunod na termino o siyam na taon. Bahagi ng kanyang posisyon ang pamunuan ang 38-member na Manila City Council.

Matapos ang siyam na taon sa pagiging Vice Mayor, siya ay nanungkulan sa Department of Social Welfare and Development at di naglaon ay sa Department of Transportation, ito ay bukod pa sa pagiging bahagi ng Philippine government’s peace negotiating panel.

Ang serbisyo publiko ni Moreno ay higit na naging matingkad nang siya ay mahalal bilang Manila mayor noong 2019. Ang tatlong taong paglilingkod bilang alkalde ng Maynila ang kumumpleto sa 23 taon paglilingkod niya sa pamahalaan.


Dahil sa dinanas na kahirapan noong kanyang pagkabata, sinabi ni Moreno na nalaman niya ang kahalagahan ng pagiging matiyaga, masigasig at higit sa lahat ay ang pangunawa sa karaniwang tao tulad nila bilang isang squatter, scavenger, mahurao at walang sinabi sa buhay.

“You know that’s the essence of governance. You govern because you understand the people. You must be connected to the people. ‘Yung maipakita mo sa tao, na no matter what, kahit saang starting point ka nagsimula, you can go to the finish line. Although along the way, maraming bubog, may mga pako sa kalsada, or stumbling blocks along the way, yung pagpupursige, perseverance and understanding your people,” sabu ni Moreno.

Ang kanyang awtomatikong koneksyon sa general populace ay dahil naiintindihan niya ang katayuan ng mga ito, dahil na rin sa naranasan niya ito ng personal. Kaya naman ito ang naging focus ng kanyang pamamahala nang pasukin niya ang serbisyo publiko sa napakamurang edad.

“Simula noong mag-alkalde ako, yung focus, yung North Star of the governance of Manila is always about the people: pagiging maayos, walang kadugyutan, certainty of rules, housing to give back dignity, school, hospitals, parks, open space for the future, clean air, highly urbanized city,” Moreno says.


Sa loob lamang ng dalawang taon simula ng maging alkalde ng Maynila si Moreno noong 2019, ay nagawa niyang linisin ang lungsod at magdala dito ng kaayusan mula sa magugulong lugar ng Divisoria at Quiapo sa loob lamang ng ilang araw at bagay na iniisip ng marami na imposibleng gawin.

Sinira din niya ang sariling target na 60 days nang itayo niya sa loob lamang ng 52 araw ang 344-bed Manila Covid-19 Field Hospital sa Quirino Grandstand. Nagpatayo din siya ng apat na vertical housing projects para sa mahihirap na pamilya at informal settlers gayundin ng mga modernong public school building.

Nagpatupad din si Moreno ng programang para sa pamamahagi ng tablets at computers sa public school teachers at mag-aaral at gayundin ang patuloy na pagbibigay ng ayuda sa mahihirap na pamilya sa kasagsagan ng pandemya.

“Nakikita mo yung concept sa paggo-gobyerno – tao ang basis, tao yung bida, tao yung nauuna. That you are living in the real world, not in wonderland with high falutin motherhood statements, and my daddy did, my husband did, they did and so on,” sabi ni Moreno.

Binigyang diin ni Moreno na ang kanyang ginawa sa Maynila ay hindi rocket science kundi produkto lamang ng strong will at paninindigan na upang magagawa mo ang isang bagay sa mabilis na paraan. Sinabi pa ni Moreno na ang kanyang mga achivements ayb duplicable at scalable.

“We can do it anywhere. We can do it for the entire nation. It’s always the principle behind governance – what you believe, it’s not what you politically believe,” pahayag ni Moreno.

“When I entered public service, inialay ko ang buhay ko sa serbisyo because I value the mandate, I value the opportunity. Pinagsikapan ko,” sabi niyo na idinagdag din na hindi niya hinayaan ang kanyang pagiging ‘high school finish’’ ay makahadlang upang matupad ang kanyang hangarin sa buhay.

“Then I saw the opportunity again to develop myself, to better myself, to be more efficient by acquiring such tools. So I went back,” sabi Moreno na noong nasa public office ay nagawang ipagpatuloy ang pag-aaral kung saan nagtapos siya Business Administration sa International Academy of Management and Economics (IAME); dalawang taon sa law school sa Arellano University; Master degree in Public Administration sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), at Local Legislation and Local Finance at the University of the Philippines (UP).

Mayroon ding post-graduate studies si Moreno sa Harvard University sa ilalim ng Executive Education Program, Strategic leadership program ng Oxford University,

“So I prepared for this, had been preparing for it, doing it, equipping myself and I am ready for the presidency.”

‘Yung ipinapangako pa lamang ng mga kandidato, nagawa nang lahat ni Moreno sa Maynila. At dahil nagawa na nga ito sa kapitolyo ng bansa, hindi na magiging mahirap kay Moreno na ipatupad sa buong bansa at maibigay sa lahat ng Pilipino ang lahat ng tinatamasa ng mga taga-Maynila sa ilalim ng pamumuno nila ni Vice Mayor Honey Lacuna.

Tags: Manila Mayor Isko Moreno

You May Also Like

Most Read