Isko at Honey ipinagmalaki ang pagtanggap ng Sta Ana Hospital ng TUV-SUD ISO 9001:2015 certification

KAPWA ipinagmalaki ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna, na tumatakbo rin bilang successor ni Moreno ang pagtanggap ng Sta. Ana Hospital (SAH) ng pinakaaasam na TUV- SUD ISO 9001:2015 certification. Ito ay muling nagtaas sa antas ng healthcare services sa lungsod.

Samantala ay winelcome ni Moreno ang pagbabalik Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles at ng kanyang team matapos na manatili ng 35-araw sa Cebu upang tumulong sa clearing operations dito matapos tamaan ng bagyong “Odette”

“Sa lahat ng bumubuo ng MDRRMO, kay Director Arnel Angeles, maraming maraming salamat po sa pagpapamalas ninyo ng bukal na pagtulong sa ating mga nasalantang kababayan,” sabi ni Moreno.


Personal na tinanggap nina Moreno, Lacuna at ng kanyang runningmate na si Congressman Yul Servo at SAH Director Dr. Grace Padilla ang TUV- SUD mula kay Philippines Senior Business Development Executive Stephen Yang. Ang nasabing ISO certification ay nagpapakita ng abilidad ng ospital na magampanan ang inaasahang serbisyo para sa mga taong pinaglilingkuran nito.

Binati ni Moreno ang buong SAH team sa liderato ni Dr. Grace Padilla, “for their unwavering quest for health excellence”.

Mula sa dating kalunos-lunos na estado nito kung saan kabikabila ang nasasawing pasyente, sinabi ni Moreno na ang SAH ay umangat at naging model hospital na pinamamarisan ng iba pang pampublikong pagamutan. Ito ay pinatatakbo ng city government at itinayo para tumulong sa mga residente ng sixth district.

“Kaya nga Mona Lisa ang dating tawag sa SAH. Because you lie there and just die there. Its turnaround transformation into its present status under the leadership of Dra. Padilla is just phenomenal,” sabi ni Moreno.


Ayon kay Lacuna na siyang in- charge city’s health cluster, ang SAH ay pangunahing ospital pagdating sa paggagamot ng COVID-19. Dito rin matatagpuan ang storage facility ng lahat ng uri ng lCOVID vaccines, molecular testing laboratory kung saan prinoproseso ang lahat swab tests at ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) na itinatag bago pa maganap ang pandemic.

Idinagdag din ni Lacuna na ang SAH ay mayroon ng high-tech dialysis unit at kamakailan lang ay mayroon na rin itong robotics unit na tutulong sa mga biktima stroke at paralysis.

Bago ang certification process, ang SAH ay nagpatupad ng quality management system base sa ISO requirements at effectiveness at ito ay dokumentado. Ito ngayon ay sinundan ng documentation review audit, on-site audit, closing the gap processes, certification issuance and surveillance audits o annual audit na siyang required upang ma-maintain certification validity.


Tags: Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read