NAPATAY ng mga tauhan ng Western Mindanao Commandβs Joint Task Force Central ang spokesperson ng Islamic State of Iraq and Syria-East Asia (ISIS-EA) at tumatayong financier ng teroristang grupo sa Pilipinas kasunod ng isinagawang joint operation sa Maguindanao, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na ibinahagi ni AFP WESTMINCOM commander, Ltgen. Alfredo del Rosario isang intelligence driven operation ang inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng 601st Infantry Brigade, 40th Infantry Battalion, at military intelligence units sa Crossing Salbo, Barangay Poblacion, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Napatay sa nasaping special operation si Abdulfatah Omar Alimuden, a.k.a. Abu Huzaifah, isang local terrorist na tubong Maguindanao.
Ayon kay Maj Andrew Linao taga pagsalita ng WESMINCOM, malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkakapatay ng militar sa ISIS-EA Spokesperson dahil ito rin ang nangangasiwa sa financial transactions ng Daulah Islamiyah-Philippines sa ISIS Central.
βAng pagkamatay ni Abu Huzaifa ay malaking tulong sa peace and order dito sa bansa natin especially nuong nakaraang mga linggo is nagkaroon tayo ng series of bombings dito sa southern part ng Mindanao, and as a finance officer kayang mag provide ng logistical requirement duon sa mga improvised explosive device at bomb materials, magkakaroon din ito ng malaking setback sa teroristang grupo,β sabi pa ni Major Andrew Linao.
Sinabi ni Major Linao, matagal ng mino-monitor ng kanilang intelligence community ang galaw ng nasabing terorista lalo at may direkta itong koneksyon sa international terrorist group na ISIS.
βItong si Abu Huzaifa siya din ang in-charge at nasa transaction o finance officer ng Dawlah Islamyah Philippines na nag-ooperate sa bansa pero nag-rereport sa ISIS Central,β paliwanag pa ni Maj. Linao.
Samantala, binati naman ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Chief, Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr. ang mga tropa na nakapatay kay Abu Huzaifah.
Itinuturing ng militar na isang malaking accomplishment sa hanay ng militar ang pagkakapatay sa nasabing terorista.
Bukod sa napaslang na ISIS officer patuloy pa rin umanong tinitiktikan ng mga intelligence operatives ang presensiya ng mga banyagang terorista na namataan sa bahagi ng southern at western Mindanao. (VICTOR BALDEMOR)














