Binanggit ni NNIC President Ramon S. Ang ang mga pagbabagong inilunsad sa isang taong pamamahala ng NNIC.

Isang Taon ng Pagbabago sa NAIA, Facial Recognition System Ilulunsad – NNIC

By: Jerry S. Tan

Matapos ang isang taon ng matagumpay na pamamahala, inihahayag ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang paglulunsad ng isang facial recognition system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay NNIC President Ramon S. Ang, ang makabagong teknolohiyang ito ay magpapabilis sa proseso ng paglalakbay, na nagbibigay-daan sa mga pasahero na mag-check-in, mag-drop ng bagahe, dumaan sa security, at sumakay sa eroplano gamit lamang ang kanilang mukha.


Aniya, ang hakbang na ito ay nagmamarka ng isang makabuluhang unang taon para sa NNIC, na pormal na nagsimulang mag-operate sa NAIA noong Setyembre 14, 2024.

“Operating an airport the size and scale of NAIA will always be demanding. But what this first year has shown is that with teamwork, discipline, and the dedication of our people, real change is possible. Our employees — from the frontlines to behind the scenes — are the reason we have been able to serve more passengers, run more flights on time, and start building the airport the Filipino people deserve. Together with government and our partners, we will sustain these gains and finally deliver a truly world-class NAIA,” ani Ang.

Sinabi ni NNIC general manager Lito Alvarez na mula noon hanggang Setyembre 13, 2025 ay umabot sa 51.7 milyong pasahero ang naitala ng NAIA, isang 6% na pagtaas o 2.9 milyong pasahero higit sa nakaraang taon. Samantala, 283,771 flights ang naisagawa, na nagresulta sa pinakamataas na on-time performance na 92.12% sa kasaysayan ng paliparan.


Ani Alvarez, Ilan sa mga pangunahing pagbabagong ipinatupad ay ang sumusunod:

Airside Operations: Muling inayos ang aircraft parking stands, pinalawak ang taxiway, at inalis ang mga inabandonang eroplano para sa mas maayos na daloy ng trapiko. Dahil dito, nadagdagan ang domestic at international routes sa pakikipagtulungan sa 47 airline partners.


Terminal Facilities: Naglagay ng 11,820 bagong upuan, 2,500 baggage trolleys, at 21 bagong air-conditioning units. Mas pinabilis din ang Wi-Fi mula 1G patungo sa 10G. Lahat ng escalators, walkalators, at elevators ay gumagana na, at 34 na bagong boarding bridges ang naka-order na. Bukod pa rito, isinasagawa ang pagsasaayos ng mga palikuran.

Baggage System at Shuttle Service: Pinahusay ang baggage handling system na nakapagproseso ng 51.3 milyong bagahe at nagtatanggal sa mahabang pila. Nagdagdag din ng 20 bagong shuttle buses na nakapaghatid na ng mahigit kalahating milyong biyahero sa pagitan ng mga terminal.


OFW Lounge: Halos kalahating milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang nakinabang sa bagong OFW Lounge sa Terminal 3, at magbubukas pa ang isa pang lounge sa Terminal 1.

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng global standards, nagsimula na rin ang NNIC na sumunod sa ISO certifications at iba pang inisyatibong pangkalikasan tulad ng pagbabawal sa single-use plastics at paglilinis ng mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.

Simula Setyembre 14, ia-update ang terminal fees ng NAIA sa unang pagkakataon matapos ang 20 taon. Kahit may dagdag, mananatili itong isa sa pinakamababa sa Asya. Naka-remit na ang NNIC ng P48.3 bilyon sa pamahalaan, at 82% ng kita nito ay direktang napupunta sa gobyerno.



Tags: New NAIA Infra Corp. (NNIC)

You May Also Like

Most Read