CAMP CAPINPIN, Rizal- Limang CPP-NPA-NDF supporters ang nagbawi ng kanilang pakikipag-ugnayan sa makakaliwang grupo at isang SPL member ang boluntaryong sumuko sa bayan ng Tagkawayan at San Francisco sa probinsya ng Quezon .
Dahil sa pagtutulungan ng 85th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division, mga kapulisan sa probinsya ng Quezon at ng San Francisco at Tagkawayan MTF-ELCAC, ay naging posible ang pagsuko ng isang SPL member na pawang residente ng Brgy Ilayang, Tayuman, San Francisco at limang NPA supporters na residente ng Brgy Maguibuay, Tagkawayan, Quezon Province.
Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander, Maj. Gen. Roberto S. Capulong, “Ang serye ng pagsuko at pagbawi ng suporta ng mga dating may ugnayan sa komunistang grupo sa Quezon ay resulta ng pakikipagtulungan ng mga kasundaluhan sa mga key stakeholders tungo sa pagkamit ng tiwala ng sambayanan.
Patuloy rin ang pagbibigay seguridad ng mga kasundaluhan sa ating mga komunidad at hinihikayat rin ang mga natitirang rebelde na sumuko upang mapasailalim rin ang mga ito sa mga programa at benepisyo galing sa gobyerno.”














