Tinugunan ni Senator Erwin Tulfo ang mungkahing snap election ng kasamahang si Senator Alan Peter Cayetano upang palitan ang lupon ng mga lider sa bansa, pero aniya, dapat ay kasama lahat hanggang sa mga barangay level.
“Why not include all elected officials from the top down to the barangay level”, ani Tulfo, kasabay ng paghahayag ng mga katanungan gaya ng kung posible bang gawin ito sa panahon ngayon at kung may pondo ba para dito.
Ayon kay Tulfo, kailangang magpasa ng batas upang mapondohan ang isang eleksyon, bukod pa sa dalawang taon ang kailangan nito at bilyong-bilyong pondo.
Ginawa ni Tulfo ang pahayag kaugnay ng social media post ni Cayetano na nagsabing dapat bumaba sa puwesto ang mga opisyal ng gobyerno mula Malacanang hanggang Kongreso upang maibalik ang tiwala ng tao sa pamahalaan, sa gitna ng mga anomalyang lumitaw sa flood control programs.














