ISANG lalaki ang nasugatan sa naganap na sunog kahapon ng madaling araw sa kanto ng Basilio at Florentino Streets sa Sampaloc, Maynila, kung saan may 25 pamilya naman ang nawalan ng tirahan.
Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas- 4:29 ng madaling araw na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang ‘fireout’ alas -6:35 ng umaga.
Isand di pinangalang lalaki ang nalapnos ang balat at siyang itinuturong nanunog ng kutson, dahilan upang madamay ang ilang kabahayan.
Ayon sa isang saksi, nakita niyang sinunog ng suspek ang kutson at nang lumaki na ang apoy ay nagtatakbo itong palabas. Ilang residente ang sumugod sa lalaki at dinala ito sa pagamutan.
Aabot sa P300,000 ang pinsala ng sunog at patuloy itong na iniimbestigahan ng arson.














