Isa sa pitong huli sa cara y cruz, nahulihan ng baril

Arestado ang pitong lalaki sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng Manila Police District- District Special Operation Unit ( MPD-DSOU) sa aktong nagka- cara y cruz ,kamakalawa ng umaga sa Sta.Cruz,Maynila.

Gayunman,isa sa suspek na nakilalang si Enrique Ilanan,46, electrician at residente ng Pista Street, Sta.Cruz, Maynila,ang nakuhanan naman ng .38 kalibre ng baril kaya bukod sa paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal Gambling na inamiyendahan sa Republic Act 9287 ay sinampahan rin ng kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).


Kabilang a mga naaresto sina Edgardo Maranan, 53; Matronillo Bayate, 56; Lau Garcia,38; Andrew Isidro,24; John Peter Mallari,24 at Allan Vivente ,45.

Ayon kay PSMS Alfredo Fabian ng DSOU, alas- 6 ng umaga nang maaktuhan ang mga suspek na nagsusugal sa may Aragon Street sa.Sta.Cruz, Maynila.

Nasamsam ng mga pulis ang tatlong tig-piso na coins at P1,420 pusta mula sa mga suspek. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District- District Special Operation Unit (MPD-DSOU)

You May Also Like