Latest News

Isa patay sa ligaw na bala, kaaway, sugatan

By: Baby Cuevas

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang tinatarget na barilin ng isang miyembro ng Batang City Jail matapos tamaan ng ligaw na bala kahapon ng madaling araw sa may panulukan ng Onyx at Dogonoy St. San Andres Bukid, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSMS Niño Baladjay ng Manila Police District -homicide , idineklarang dead-on-arrival sa Bagong Ospital ng Maynila ang biktimang si Gonzalo Pacheco, 43, tricycle driver at taga 1704 Dagonoy St.SAB, Maynila.

Tinamaan naman ng bala sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Ferdinand Pontanilla, 36 at taga 1706 Dagonoy St. SAB, Maynila, na hinahabol ng suspek na si Virgilio Celis, alyas Utoy, 32 at taga1661 Crisolita St. SAB.


Kinuyog naman ng mga residente sa lugar ang suspek na hawak pa ang .45 kalibreng baril na ginamit umano sa pamamaril.

Napag-alaman kay Rhealyn Aglinao na nakita niya alas-12:45 ng madaling araw na hinahabol ni Celis habang pinapuputukan ng baril si Pontanilla.

Sa puntong ito, tinamaan ng ligaw na bala si Pacheco na noon ay nakikipag-inuman sa kanyang mga kaanak.

Nagkataon namang napadaan si PCpl Raymond Sotto at inaresto ang suspek.


Tags: Manila Police District-homicide

You May Also Like

Most Read