ISA PATAY, NASA 26,331 KATAO APEKTADO NG BAGYO

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAKYAT na sa 26, 331 katao ang apektado ng bagyo at g nararanasang habagat sa buong bansa habang isa ang inulat na na nasawi nang mabagsakan ng bato ang kanilang bahay sa nangyaring landslide sa Antipolo sa kasagsagan ng mga pag ulan, sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.

Sa inisyal na ulat gumuho ang isang bahagi ng gulod sa kasagsagan ng pag ulan sa Antipolo City, lalawigan ng Rizal at nahagip ng malaking tipak ng bato ang bahay na tinutuluyan ng biktima.


Nagawa pang maitakbo ito sa pagamutan subalit deneklarang dean on arrival,.

Kinumpirma naman ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na aabot na sa 9,922 pamilya o katumbas ng halos 30,000 indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng Bagyong Dodong at ng habagat.

Ayon sa DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 16, ay naitala ang mga apektado sa Ilocos region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol region, Western Visayas at NCR.


Kaugnay nito, mayroon na ring 192 pamilya o katumbas ng 750 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa 18 evacuation centers habang nasa higit 400 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.

Samantala, nakapagtala na rin ang DSWD ng 3 kabahayan na labis na nasira sa kalamidad habang 1 ang partially damaged.


Tiniyak naman ng DSWD ang tulong na ipapamahagi nito sa mga lalawigang inuulan dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Dodong.

Nasa higit Php 2-B na ang halaga ng stockpiles at standby funds na inilaan nito para sa mga apektado ng bagyo.


Tags: National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC

You May Also Like