ISA PATAY, ISA SUGATAN SA DUWELO

Patay ang isa habang sugatan naman ang isa pa, matapos na mauwi sa saksakan ang mainitang pagtatalo nila,kahapon ng madaling araw sa Tondo,Maynila.

Nasawi matapos tarakan ng balisong sa leeg ang biktimang si Alfredo Aboy, 43 at taga 1343 CP Garcia St.Tondo,Maynila.


Ginagamot naman sa Gat Andres Memorial Medical Center dahil sa tama ng saksak mula sa gunting ang suspek na si Amrico Zerudo, alyas Tatay Rico, tricycle driver at taga 296 Cristobal St.Tondo .

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg John Kevin Zuñiga ng Manila Police District-homicide section ,naganap ang insidente ala-1:15 ng madaling araw sa harap ng isang bahay sa may CP Garcia St.

Bago ang duwelo, una na umanong nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa pero naawat ito ni Noli Damiar hanggang sa umalis na si Zerudo .


Gayunman,maya-maya ay bumalik ito at armado na ng balisong at inatake si Aboy na noon ay armado naman ng gunting at magkasabay na nagsaksakan.

Kasunod nito ay walang buhay na bumagsak si Aboy habang sugatan naman si Zerudo na mabilis isinugod sa hospital.


Nakatakda namang sampahan ng kasong murder sa Manila Prosecutors Office si Zerudo. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide sectio

You May Also Like

Latest News