ISA PATAY, 2 SUGATAN SA CHOPPER CRASH

Patay ang isang piloto habang dalawang aircraft mechanics ang sugatan sa bumagsak na helicopter sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, sa ulat ng pulisya at local disaster risk reduction office kahapon.
Sa ulat ay kinilala ang nasawing piloto na si Diosdado Lumandan, habang kinilala ang mga sugatan na sina Ivan Abiong na isang mekaniko at Rodney Esogon.

Base sa imbestigasyon ng Clark Development Corporations public safety, sumailalim sa pagkukumpuni ang 1973 model MD369HS helicopter at nang paliparin ni Lumandan, ito ay bumagsak sa Nabcor area bandang alas-10:45 kamakalawa ng umaga.


Agad na itinakbo sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.

Sinasabing nakakuha pa ng test flight bandang alas-10:30 ng umaga kamakalawa mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang helicopter na pinalipad ni Pilot Diosdado Lumandan, 60, nang magkaroon ito ng technical problem, dahilan para ito bumagsak.

Base pa sa impormasyon, sumailalim pa sa technical repair ang helicopter bago ito paliparin ni Lumandan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga

You May Also Like

Most Read