ISA PANG SUSPEK SA DEGAMO SLAY CASE HAWAK NG MILITAR; 30 KASO ISINAMPA

ISA pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa hawak ng Armed Forces of the Philippine matapos na sumuko sa militar.

Ayon kay Special Task Force Degamo head at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa ginanap na joint conference kahapon, nakatakdang dalhin ng AFP ang sumukong suspek sa National Bureau of Investigation.


Sinabi pa ni SILG Abalos na may mga vital information na ibubulgar ang suspek na nasa kustodiya ng AFP .

Inihayag naman ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, ang suspek na sumuko ang isa sa mga responsable sa krimen kung saan may hawak itong matibay na impormasyon na makakatulong sa ginawang imbestigasyon.

Aniya, alam rin ng sumukong suspek kung sinu-sino ang mga kasabwat sa pagpatay kay Gov. Degamo at kanilang hinahanap ang walong indibidwal na may kaugnayan sa krimen.


Samantala, inihayag naman ni Special Joint Task Force Negros spokesperson Major Cenon Pancito III may apat na suspek na lamang ang kanilang tinutugaygayan .

Ito ay kasunod ng deklarasyon na nakuha na nila ang anim sa sampung suspek na kanilang nakilala base sa mga nakalap na CCTV footages sa paligid ng pinangyarihan ng krimen matapos ang isinagawang pagsalakay sa bahay ni Governor Degamo.


Sinabi pa ni DILG Secretary Benhur Abalos na nasa 30 reklamo ang kanilang inihain laban sa mga tinuturong suspek nasa likod ng pagpatay Degamo at walong iba pa.

Sa joint conference ng DILG, Department of Justice (DOJ), National Intelligence Coordinating Agency, Department of National Defense, National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni Abalos na bukod kay Gov. Degamo, siyam na murder ang kanilang inihain kasama ang 15 frustrated murder at tatlong attempted murder.


Bukod dito, naghain din sila ng reklamong illegal possession of firearms at dalawang illegal possession of explosives matapos ang naging resulta ng pag-raid ng PNP sa ilang bahay na pag-aari umano ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Negros Oriental Governor Roel Degamo

You May Also Like

Latest News