Latest News

ISA PANG PULIS NAKAPATAY NG BINATILYO NANGANGANIB NA MASIBAK

By: Victor Baldemor Ruiz

KASALUKUYANG iniimbestigahan na ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang nangyaring pagkamatay ng isang kinse anyos na binatilyo matapos na mabaril ng isang pulis sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, inatasan niya na ang Rizal Police na imbestigahan ang nangyaring pamamaril ni PCpl. Arnulfo Sabillo na ikinamatay ng binatilyong si John Francis Ompad.

Ani Triambulo, posibleng maharap sa kasong grave misconduct at conduct unbecoming of police officer si Sabillo , kasong administratibo na maaaring maging basehan para masibak ito sa serbisyo.


Bukod ito sa kasong homicide at attempted homicide na kinakaharap ng naka detenido ng pulis.

Samantala, lumalabas naman sa record ng PNP na dati nang nasuspinde si Sabillo noong 2017 matapos maaresto dahil sa alarm and scandal sa Pasig City.


Maliban dito ay nasuspinde na rin ito noong January 2023 dahil napatunayang guilty sa hindi pagbabayad ng utang.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagsasagawa umano ng “Oplan Sita,” ang pulis sa isang bahagi ng Barangay San Isidro, sa bayan Rodriguez kung saan madalas umano ang holapan ayon kay P/Capt. Mariesol Tactaquin, public information officer ng Rizal PNP.


Sakay umano ng motorsiklo ang kapatid ng biktima ng lagpasan nito ang pulis na nagtangkang pahintuin siya, Kaya hinabol nito ang 22 anyos na rider hanggang sa makarating sila sa bahay ng bintilyo .

Sinasabing hinubad ng rider ang kanyang helmet at ipinukol sa pulis na bumunot ng kanyang baril at nagpaputok kaya tinamaan naman ang 15 anyos na kapatid ng rider na papalabas ng bahay dahil sa narinig na kaguluhan.

Namatay ang biktima habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Aminado kapulisan na may mga lapses sa nasabing pagkilos ng pulis . “Ang nakita natin, talagang may lapses. Unang-una po, not wearing proper uniform,” ani Tactaquin sa isang panayam.

“And also doon sa pagbato ng helmet, parang sobra-sobra naman yung reply mo, response mo, and then ikaw, nagdraw ka ng firearm mo, pinutukan mo. Parang excessive force naman ang iyong ginamit,” sabi pa ng taga pagsalita.

Sinasabing may kasamang sibilyan na kaibigan ng pulis ng habulin niya ang rider.

Tags: Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS)

You May Also Like