Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang person of interest (POI) sa hazing-slay ng Adamson student na si John Matthew Salilig, kahapon ng umaga.
Nabatid na si Aaron Cruz alyas ‘Bones’, miyembro ng Tau Gamma Phi, ay nakitang pumasok sa NBI-National Capital Region(NBI-NCR) na nakasuot ng kulay light gray na hoodie.
Inaasahan na magsusumite ng kanyang counter-affidavit si Cruz kaugnay sa pagkakasangkot sa hazing slay kay Salilig.
Una nang sumuko noong Marso 3,2023 ang isa pang miyembro ng Tau Gamma Phi na si Lester John Sus at iginiit nito na wala siyang partisipasyon sa naganap na initiation rites dahil umalis siya agad para pumunta sa isang appointment.
Nabatid na nakipag-bonding lamang siya sa ibang miyembro at hindi niya nakita ang sakitan na naganap.
Hindi umano alam ni Sus kung bakit siya iniuugnay sa hazing.
“Baka siguro kasi andoon din ako ng 5 p.m. to 7 p.m. So baka sinama na rin nila ako,”ayon kay Sus.
Samantala,sa naganap na pagdinig sa Senado,sinabi ng testigo na hindi na dinala sa hospital si Salilig dahil nag-seizure na Ito noong “welcoming rites.’ (Anthony Quindoy)














