ISA PANG “GUO,” PEKENG PINOY, HULI SA BI-FSU

By: Jerry S. Tan

Kasunod ng high-profile case ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sumabit sa citizenship, arestado sa Bureau of Immigration (BI) ang isa pang gaya niyang nagpapanggap na Filipino.

Ayon kay BI-Fugitive Search Unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy, ang pagdakip sa 48-anyos na lalaking Chinese na si Jinjin, ay naganap nitong February 17 sa Alona Beach Road, Purok 7, Barangay Tawala, Panglao, Bohol at batay sa intelligence information na ito ay nago-operate ng mga negosyo sa Panglao gamit ang mga Filipino “dummies” o nominees upang maligtasan ang pagbabawal sa ‘foreign ownership.’


Ani Sy, si Jinjin ay may Professional Driver’s License mula sa Land Transportation Office (LTO) kung saan nakalagay na isa siyang Filipino citizen, bagama’t sa immigration records ay isa siyang Chinese national na huling pumasok sa bansa noong entered the Philippines in 2018 sa ilalim ng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV).

Bagamat walang ‘active derogatory record’ sa BI database ang banyaga subalit kumpirmado na siya ay may professional driver’s license na ‘valid’ hanggang February 2032 kung saan siya ay Filipino citizen, na nangangahulugang nagpanggap ito o nameke ng mga dokumento na isinumite upang makakuha ng government-issued identification.

Ang banyaga ay nasa BI holding facility at nahaharap sa deportation charges.


Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like