Latest News

Isa pang BQ.1, na-detect

May isa pang kaso ng Omicron subvariant BQ1 ang na-detect sa bansa .

Ayon sa Department of Health (DOH), umaabot na sa 17 ang na-detect na kaso ng BQ.1 sa Pilipinas.

Ang panibagong kaso ng BQ.1 ay nakita sa Western Visayas base sa pinakahuling COVID-19 bio-surveillance report.

Nabatid na ang BQ.1, sublineage ng omicron BA.5 ay ikinukunsidera bilang variant of interest ng European Center for Disease Control.

Pinaniniwalaan na ang BQ.1.ay mas mabagsik at immune-evasive.

Kaugnay nito, may na-detect na 115 bagong kaso ng omicron subvariants, kabilang na ang kaso ng BQ.1.

Sa naturang bilang, 64 ang BA.2.3.20 at 42 ang XBB, dalawa ang BA.5, at anim ay ibang omicron sublineages.

Nakapagtala rin ang DOH ng dalawang bagong kaso ng XBC, recombinant ng delta at omicron.

Ito umano ang resulta ng pinakahuling sequencing na isinagawa ng University of the Philippines-Philippine Genome Center mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 3.

Ang karagdahang BA.2.3.20 cases ay kinabibilangan ng isang returning overseas Filipino at ang 64 local cases ay mula sa Regions 1, 2, 3, 4A, 6, 7, at BARMM.

Samantala, ang dalawang BA.5 cases,kasama ang kaso ng BQ.1, ay pawang lokal na kaso mula sa Region 6 at lahat ng 42 XBB cases ay pawang mula naman sa Western Vizayas at Calabarzon at ang 2 kaso ng XBC.

Tags:

You May Also Like

Most Read