Latest News

ISA NA NAMANG YBL BUS, PINASABUGAN; 1 PATAY, 10 SUGATAN

bus

 


ISA na naming unit ng Yellow Bus Line company ang pinasabugan ng mga hinihinalang lawless elements OR extortionist group kahapon ng umaga sa Tacurong City base sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Maj Gen, Roy Galido, commander, 6th Infantry Divison, Philippine Army na nagging sanhi ng pagkamatay ng isa at pagkasugat ng sampung pasahero.

Sa paunang impormasyon dakong alas 6:00 Linggo ng umaga isang YBL bus mula Kidapawan City via Mlan at Tulunan road patungong Tacurong City ang sumabog pagsapit sa bisinidad ng St Louis Hospital Barangay Isabela Tacurong City.

Ang City Disaster Risk Reduction and Management Office of Tacurong ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa isang nasawi .


Sa panig ng militar, lima lamang ang natanggap nilang bilang ng mga nasugatan pero patuloy pa nila itong bina-validate.

Hinihinalang isang improvised explosive device ang itinanim o iniwan sa loob ng bus at saka pinasabog na ikinasugat ng limang pasahero na pawing tinakbo sa kalapit na St Louis hospital.


Agad na nagpadala ng isang team si Mgen Galido na pinamumunuan ni 1Lt Caasi ng JTF Talakudong para i-kordon ang scene of incident. Mabilis ding rumesponde si Ltc Betita, acting commander ng JTF Talakudong kasama ang local police at Sultan Kudarat PNP..

Isa sa mga posibleng suspek na tinututukan ng ang angulong pangingikil dahil suki na ng mga teroristang grupo at mga lawless element group na kikilan ang nasabing bus company , at madalas na pinasabugan tuwing tatangi .


“The YBL has been constantly receiving extortion messages ever since and we have been working with them, di lang matiyempuhan kaya siguro nag counteract yung ano e, but regularly they recieve extortion and we’re, may mga leads na kami, Ani NI Mgen Galido.

Katunayan anang opisyal isang grupo na sangkot din sa extortion activities at pagpapasabog ang nahuli na ng military sa Pikit area sa North Cotabato.

Hinala ng opisyal posibleng isinakay ng bus company ang suspek sa pagpapasabog habang bumibiyahe at hindi sa terminal.



“We always keep reminding YBL na palakasin ang kanilang security, kasi ang number one ano dyan e, pag along the road nagsasakay sila e, but we are still investigating ano circumstances nito kasi may guidance na kami never pick up passengers na wala sa pickup points,” anang hneral

“We have constantly reminded them to follow strictly their policy, may policy din sila na ano e only defined pickup points ang isasakay nila para may, merong ano, may inspection process.” (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Yellow Bus Line company

You May Also Like