Latest News

IPAGTATANGGOL NG AFP ANG SOBERENYA NG PILIPINAS

By: Victor Baldemor Ruiz

Inihayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine nakahanda ang hukbong kasundaluhan na ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas kahit pa pagbuwisan ng buhay kung kinakailangan

Kahapon, kasabay ng ika-7 anibersaryo ng arbitral ruling ng Permanent court of arbitration na pumapabor sa Pilipinas sa West Philippine Sea ay binigyang diin ni AFP Western Command Commander Vice Admiral Alberto Carlos na hada silang magtanggol para sa soberanya ng bansa.

Ayon kay Carlos, patuloy na poprotektahan at itataguyod ng Sandatahang Lakas ang bawat teritoryo ng bansa.

Sinabi pa ng opisyal na walang palya ang tropa ng pamahalaan sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa West Philippine Sea upang panindigan at ipaglaban ang ating teritoryo.

In our remotest outposts at sea, very few dare to go because of the unpredictability of the temperament of the forces of man and nature. There, the WesCom soldiers raise the Philippine Flag without fail and proudly fly, sail and stand guard to defend what is definitively ours,” anang opisyal.

Kasunod nito, umaasa ang AFP na igagalang ng lahat ng bansa ang 2016 PCA ruling upang magkaroon ng mapayapa at maipatupad ang freedom of navigation sa WPS.

We are heartened by the solid fact that the decision is now part of international law, is recognized by the international community and has become the basis for policies and actions in the WPS. We are one with our neighbors and allies in enforcing a rules-based order so that peace and order, freedom of navigation, trade and commerce, and the gifts of nature will continue to flourish to be enjoyed by all future generations, ani Vice Adm Carlos.

Hanggang kahapon ay hindi pa rin natitinag ang nasa 48 Chinese fishing vessels sa Iroquois Reef.

Ayon kay Commander Ariel Joseph Coloma PIO Chief ng AFP Western Command, hindi aniya umaalis ang mga sasakyang pandagat ng China na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Aniya, hindi nila alam ang pakay ng mga Chinese vessel pero nakaangkla ang mga ito bagamat wala namang fishing activities.

Tags:

You May Also Like

Most Read