Naglabas ng invitation to bid ang Manila International Airport Authority (MIAA) para sa paglalagay ng perimeter fences sa dating Nayong Pilipino at sa 20- taong abandonadong compound ng Philippine Village Hotel sa tabi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Ang hakbang na ito ng MIAA ay para matiyak na ang buong lugar ay hindi magiging ‘staging point’ ng masasamang elemento na magdudulot ng panganib sa kaligtasan at seguridad ng paliparan.
Ang nasabing invitation to bid ay nagkakahalaga ng ng higit sa P2 milyong piso at nai-post sa MIAA website.
Pinapayuhan ang interesadong bidders na i-secure ang kanilang mga dokumento para sa tamang procedure.
Napag-alamang sumulat na si MIAA general manager Bryan Co kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na nagsasaad ng mga alalahanin sa seguridad tungkol sa ari-arian.
Ayon kay Co, dahil sa abandonadong lugar at gusali ay posibleng malagay sa kompromiso ang seguridad na magiging dahilan upang makapasok ang vandalism at iba pang criminal activities.














