Latest News

International Bazaar 2024 sa World Trade Center, nilahukan ng 45 Diplomatic at Consular Mission sa Pilipinas

By: Victor Baldemor Ruiz

“Discover unique crafts, savor delicious cuisines, and experience diverse cultures—all in one place. “

Ito ang sentro ng mga kaganapan sa idinaos na International Bazaar sa World Trade Center nitong November 3, 2024.

Sumali rito ang iba’t -ibang bansa na kinatawan ng 45 Diplomatic and Consular Mission sa Pilipinas na pinangunahan ng mga opisyal at miyembro ng Spouses of the Heads of Missions (SHOM).


Kabilang sa mga nakiisa sa proyekto ng International Bazaar foundation (IBF) ang China na nagpasalamat pa sa Department of Foreign Affairs dahil sa pagkakasasali sa kanila at pagkakaroon ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga produkto at kulturang malapit sa puso ng mga Pilipino.

“Lubos kaming nagpapasalamat kay Hon. Enrique Manalo, DFA Secretary at sa kanyang asawa na si Ma. Pamela Louise Manalo, Tagapangulo ng Philippine International Bazaar Foundation (IBF), para sa pagkakataong makibahagi sa napakagandang kaganapang ito,” ani China Ambassador to the Philippine Huang Xilian.

Ayon kay Amb. Huang, lubha rin nilang ikinagalak na binisita ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” G. Calixto-Rubiano ang kanilang booth.

Ipinagmamalaki ng Chinese Embassy ang kahanga-hangang koleksyon ng mga tradisyonal na handicrafts ng Tsina, tulad ng mga marikit na silk scarves at eleganteng folding fans.


Itinampok din sa kanilang pavilion ang mga paboritong laruan na panda, na hit sa mga bata. Ang mga babaeng diplomat, na nakasuot ng makukulay na tradisyunal na cheongsam ng Tsina, ay nagdagdag ng masiglang pamparami ng kultura sa presentasyon, ayon pa sa embahada.

Kaugnay nito, umaasa umano ang Chinese delegation na makakalikom ang foundation ng pondo na makatutulong kahit kaunti sa mga lokal na pamilya at mga institusyong pangkawanggawa.

Ginanap ang bazaar nitong Linggo sa Halls B at C ng World Trade Center sa Pasay City.

“This one day event – which showcases products from all over the world – is a collaborative effort among the IBF, the SHOM, and the Diplomatic and Consular Missions in the Philippines. It stands as a vibrant testament to the enduring power of cultural heritage, unity in diversity, and the importance of fostering an international community spirit,” ayon sa mga organizers.


“This Bazaar’s main purpose is to provide assistance and offer hope to those who are in need by raising funds to support charitable causes championed by both the SHOM and the IBF, all aimed at transforming the lives of marginalized members of the community,” pahayag ni Manalo.

Tags: Pasay City Mayor Imelda "Emi" G. Calixto-Rubiano

You May Also Like

Most Read