PINANGUNAHAN kahapon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang ika-121 police service anniversary ng Philippine National Police sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.
Sa kanyang first official visit sa Camp Crame nitong Lunes ay nanawagan si PBBM., sa mga tauhan ng PNP na panatilihin ang integridad sa kanilang hanay at ‘wag hayaang mamayani ang dishonesty at pag-abuso sa kanilang tungkulin.
Inilatag ng pangulo ang kanyang policy guidelines para sa 227,000-strong police force na nagdaraos ng kanilang founding anniversary para sa dating Philippine Constabulary, na itinatag nuong Aug. 8, 1901 na may Temang: Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, Tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran”
Kinilala rin ni Marcos ang kabayanihan ng mga pulis bilang frontliners ng bayan, hindi lamang sa pagtaya ng kanilang buhay para matiyak ang peace and order kung hindi pati na sa pagtupad ng iba pang tungkulin para sa bayan.
Binati rin niya ang bagong talagang PNP chief dahil sa pagtanggap nito ng hamon na pangunagan ang Pambansang Pulis.
Pinatampok ni PBBM sa ginanap na okasyon ang framework na inilatag ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang unang PNP chief na itinalaga ni PBBM na tinaguriang “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran” (MKK = K, )
“As we celebrate this auspicious day, we also honor and pay tribute to our fallen police officers, our unsung heroes, whose legacy, exceptional dedication to duty, selfless service, and unconditional love and sacrifices for our country and countrymen are forever etched in the colorful history of the PNP,” ayon kay Azurin .
“We are here to manifest the nation’s enduring gratefulness and carry on the ideals they cherished.
Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nagsilbing panauhing pandangal kaugnay ng pagdiriwang ng ika-121st police service anniversary kasama si Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. .
Bahagi rin ng programa ang gagawing pangunguna ni Pangulong Marcos Jr. sa pagbibigay ng gawad at pagkilala sa mga natatanging kawani at opisyales ng Philippine National Police (PNP).
Sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa ika-121 police service anniversary, hinamon nito ang mga kawani ng PNP na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para maging isang public servant pero hindi dapat isinasaalang-alang o isinasakripisyo ang kanilang integridad.
Ayon pa sa pangulo, kinakailangang magkaisa ang buong pwersa ng Pambansang Pulisya para labanan ang pagkakawatak-watak at kaguluhan.
Si PBBM din ang nanguna si ginanap na Change of Command Ceremony o ang pagpapalit sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Mauupong ika-58 AFP chief ang Medal of Valor Awardee na si Lt. Gen. Bartolome Bacarro at kauna-unahang pinuno ng AFP na magsisilbi sa hukbo na may 3-year fixed term sa bisa ng RA 11709.
Si Bacarro ay 55 taong gulang at magreretiro sana sa September 18 subalit mag-e-extend ito ng hanggang 2025 sa serbisyo dahil sa fixed term para sa AFP chief. (VICTOR BALDEMOR)














