Matapos ang isinagawang inspection sa PITX, nagtungo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa NAIA Terminal 1, 2 at 3.
Ito ay para muling mag-inspeksyon bilang bahagi pa rin ng ‘Oplan Ayos Undas 2024’.
Layunin ng isinagawang inspection na siguraduhin ang kaayusan at kahandaan ng mga paliparan para sa ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero sa darating na holidays.
Kasama sa inspection sina MIAA General Manager Eric Ines, NICC General Manager Angelito Alvarez, DOTr Usec. for Aviation Roberto Lim, Usec. for Road Transport and Infrastructure Ferdinand Ortega Jesus Ortega, Assistant Secretary for Road Transport Non-Infra and SAICT Head Jose Lim IV, OTS Administrator, Undersecretary Crisaldo Nieves at CAAP Director General Manuel Tamayo.
Tinanong mismo ni Bautista ang mga pasahero ukol sa kanilang nararanasan gayundin ang mga kawani na may kinalaman sa operasyon ng airport terminals.