Latest News

Inmates’ farm sa IPPF, aani na sa Disyembre

By: Jaymel Manuel

Aanihin na sa Disyembre ng mga inmates mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan ang itinanim nilang palay sa may 4.5 hektaryang demonstration farm.

Napag-alaman sa Department of Agriculture (DA) na inaasahang aani sila ng 96.8 metriko tonelada ng bigas, pakwan, talong, melon, kamatis,siling pula, sitaw, pipino, okra, kalabasa, patola, amplaya at mais na tinatayang nasa.halagang P7.3.milyon.

Nabatid pa na ang kikitain sa inmate farm ay gagamitin sa programa ng Bureau of Corrections (BuCor) para palawakin pa ang kanilang agricultural development activities sa pamamagitan ng paggamit ng mga nakatiwangwang na lupa.

Ang demonstration farm ay bahagi ng inisyatibo ng DA at Department of Justice (DOJ) para sa proyektong Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security o DA-DOJ RISE Project.

Nasa 70 inmates sa IPPF ang sinanay para sa produksiyon ng high-value crops at bigas.

Nabatid na sa Phase 2 ng proyekto ay may 50 inmates ang sinanay sa pagtatanim ng kasoy sa may 500 hektaryang lupa.

Sinuportahan rin umano ng DA ang programa para sa 25 hektaryang corn production, 200.hektaryang pastulan ng baka at kambing, 40 hektarya para sa rice production,isang hektarya ng agri-tourism at 0.5 hektarya para sa tilapia production.

Tags:

You May Also Like

Most Read