INMATE, PATAY SA SELDA NG MPD-PS2

By: Baby Cuevas

Wala nang buhay ang isang inmate nang madiskubre ng kanyang kapwa preso sa piitan ng Manila Police District -Police Station 2 ,noong Sabado ng hapon sa Tondo,Maynila.

 


Kinilala ang Person Under Police Custody na si Ricardo de La Paz, na napansin ng mga kasamahan sa selda na hindi na humihinga  alas -5:14 ng hapon sa loob ng piitan.

 

Inakala lamang umano ng kanyang mga kasama na natutulog lamang ang biktima pero kalaunan ay napansin nila na hindi na ito kumikilos at humihinga.


 

Kaagad na isinugod nina PSSg Erwin Ruiz  at PCpl Philip Sarmiento,ang biktima sa ospital pero hindi na ito na revive pa.


Tags: Manila Police District-Police Station 2

You May Also Like