Patay ang isang 30-anyos na ‘Person Under Police Custody (PUPC)’ matapos na magreklamo ng paninikip ng dibdib dahil sa naranasang sobrang init,kamakalawa ng hapon sa loob ng kulungan ng Manila Police District-Police Station 2 sa Tondo,Maynila.
Hindi na isalba ng mga doktor sa Gat Andres Bonifacio Memorial Maedical Center (GABMMC),ang PUPC na si Marvin Candazo,at taga 1710 Maharlika St.Tondo.
Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting,ng Manila Police District-homicide section, alas 9:57 ng umaga nang magreklamo ang biktima na nahihirapang huminga at hindi maayos na kondisyon ng katawan kaya isinugod sa pagamutan.
Gayunman, alas 2:50 ng hapon nang ideklara itong patay .
Nabatid na si Candazo ay naaresto noong Hunyo 3,2022 dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002. (Philip Reyes)