Latest News

INMATE, NAMATAY

IDINEKLARANG patay sa Ospital ng Maynila ang isang 50- anyos na inmate, makaraan itong isugod doon nang mahirapan sa paghinga sa Manila Police District- Ermita Police Station 5.

Nakilala ang biktimang si JC Acuin , binata ng 463 Legaspi St Intramuros, Manila.

Base sa ulat na isinumite ni Det.Jansen San Pedro kay PLt.Dennis De Jesus, hepe ng MPD- Homicide Section, dakong 5:54 ng hapon nitong nakaraang Agosto 30 nang itawag ng nasabing pagamutan ang insidente ng pagkamatay ng naturang inmate.

Ayon sa report ng pulisya, nahuli si Acuin kasama ang anim nitong kabarkada dahil sa kasong R.O 5555, nang nakaraang Agosto 28

In-inquest ang mga dinampot na nag-iinuman kabilang ang biktima nitong Agosto 29.

Habang nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya, nagreklamo umano ito sa hirap ng paghinga, kaya isinugod ito sa ospital.

Tags:

You May Also Like

Most Read