Arestado ang isang lalaki na nang-hostage ng apat niyang pamangkin, nang diumano’y maburyong matapos iwan ng kanyang asawa, kahapon ng hapon sa Punta,Sta.Ana,Maynila.
Ang hostage-taker ay kinilalang si Robert Buhisan Senarillos,nasa hustong edad, ng No. 900 Vulcan St., Punta ,Sta..Ana. Siya ay dinakip ng mga miyembro ng Manila Police District–SWAT at ginamitan ng cable tie sa paghuli sa kanya.
Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang insidente sa.pagitan ng ala- 3 hanggang alas-4 ng hapon nang i-hostage ng suspek ang apat niyang pamangkin na pawang.menor de edad.
Mabilis namang rumesponde ang MPD sa pangunguna ni Director PBGen Andre Dizon, kung saan kaagad na nadakma ng gma rumespondeng pulis ang suspek na bangag sa ipinagbabawal na droga.
“Nagawa ko lang po iyon dahil sa problema sa pamilya.Iniwan po ako ng aking asawa,” umiiyak na tugon ng suspek matapos na maaresto.
Nakadetine ngayon sa MPD-PS6,ang suspek na sasampahan ng kasong.alarm and scandal at viiolation against women and children. (Arsenio Tan)














