Latest News

Ipinakikita sa mga larawan ang mainit na pagsalubong ng mga tao kay Presidential candidate Isko Moreno saan man ito magtungo. (TSJ)

INIT NG PAGTANGGAP NG TAO ANG BATAYAN, HINDI SURVEY — ISKO

HINDI apektado ang pangangampanya ni Manila Mayor at Presidentiable Isko Moreno sa resulta ng mga naglalabasang survey dahil na rin sa mainit na pagtanggap sa kanya ng publiko kahit saan siya magpuntang lugar.

Ayon kay Moreno,ang mainit na pagtanggap sa kanya ng publiko ang solidong -solidong batayan ng kanyang ‘winnability’ o panalo sa darating na halalan sa Mayo 9.

Naniniwala si Moreno na sa natitira pang mahigit na 80 araw ng pangangampanya ay makukuha niya ang puso ng mga Pilipino at maging ang pinakamataas na posisyon sa bansa, gaya rin noong tumakbo siya sa pagka-alkalde noong 2019.


Sinabi ni Moreno na tumakbo siya noon na kalaban ang mga political giants ng Maynila at palagian na siya ang nakakakuha ng ikatlong puwesto sa survey, hanggang sa pagdating na ng kampanyahan kung saan unti-unti siyang umangat hanggang sa manalo sa pamamagitan ng ‘landslide victory’.

Samantala, sinabi ni party chairman Ernest Ramel na wala pang isang buwan pero ang mga numero ni Moreno ay patuloy na sa pagtaas.

Mula sa 16.29 percent noong Enero 3, sinabi nito na tumaas si Moreno sa 16.75 percent nitong January 18 at tumaas pa sa 22.17 percent nitong pinakahuling survey kung saan nakuha niya ang second place sa napaka-ikling panahon.


“While we are not questioning the survey results of Pulse Asia, we would like to invite the attention of the public to the fact that the field work for the latest “Pulso ng Bayan” survey was conducted from January 19 to 24,” ayon kay Ramel.

Ayon sa survey firm na Tangere, sinabi ni Ramel ang numero ni Moreno ay patuloy na tumataas at dahil dito ay umangat siya sa ikalawang puwesto, mula sa pangatlo.

“Our internal surveys showed that Mayor Isko was a clear winner in the January 22 and 27 interviews and the February 4 KBP forum. Also quite revealing is that the results of Team Isko’s internal surveys are reflective of the independent Tangere’s findings in its non-commissioned online survey,” pagbibigay diin ni Ramel.

Sinabi pa ni Ramel na si Moreno ay pinili ng mga survey participants bilang best performing candidate sa parehong The Jessica Soho Presidential Interviews, nang may 65 percent ng mga nanood at special presentation ng top local network, GMA at KBP Presidential Forum, na ipinalabas ng live noong February 4, sa mahigit na 300 member networks ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kung saan nakakuha si Moreno ng 54 sa lahat ng mga nanood at survey participants. (Baby Cuevas)


Tags:

You May Also Like

Most Read