Latest News

INFRA AUDIT TOOL, ILULUNSAD NG DILG VS “THE BIG ONE”

By: Victor Baldemor Ruiz

Nakatakdang ilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang infrastructure audit tool na siyang susuri sa structural integrity ng mga gusali bilang paghahanda sa posibleng large-magnitude earthquake o ang pinangangambahang the “ Big One” sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Ayon kay DILG Undersecretary for Local Government Marlo Iringan, ang ilulunsad na Harmonized Infrastructure Audit tool ay gagamitin para tiyakin ang katatagan ng mga gusali sa buong bansa laban sa lindol.

“This tool will establish a national standard for assessing local public infrastructures, particularly their vulnerability to high-magnitude earthquakes,” ani Iringan.


Si Iringan ang siyang kumatawan kay Interior Secretary Jonvic Remulla sa ginanap na 2nd Earthquake Preparedness Summit na inorganisa ng Office of Civil Defense sa Quezon City.

Si DILG Secretary Remulla ay tumatayong Vice Chairperson for Disaster Preparedness of the National Disaster Risk Reduction and Management Council.


Ang nasabing kagamitan ay makakatulong sa mga local government na tukuyin ang mga priority structures na target ng infrastructure audits, na magsisimula sa National Capital Region, Region III at CALABARZON.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 3,200 structures ang nakatayo sa binabagtas ng West Valley Fault, habang 12% to 13% ng residential buildings ay sinasabing posibleng magtamo ng malubhang pinsala sakaling tumama ang the “Big One.”


Paalala naman ng OCD, wala dapat ‘shortcuts’ sa konstruksyon o pagtatayo ng mga bahay, gusali, condominiums, tanggapan, hotels at tulay, habang ang Pilipinas ay naghahanda para sa ‘The Big One.’

Binigyang-diin ng Office of Civil Defense (OCD) ang kahalagahan ng pagtatayo ng earthquake-resistant buildings at mga tulay dahil ipinagpapalagay na may 500,000 istraktura ang maaaring gumuho kung ang “The Big One”– inaasahang major earthquake ay maging kasing lakas ng Magnitude 7.2 na tatama sa bansa.

Sa earthquake preparedness summit, sinabi ni OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno na ang engineering solutions na ‘proactive at preventive’ ay ‘first line of defense’ ng bansa kung sakaling magkaroon ng malakas na lindol sa lalong madaling panahon.

“The structures should be able to withstand at least an 8.5 magnitude earthquake, at least,” ang pahayag pa ni Nepomuceno.

Nagdaos ang OCD ng two-day summit kasunod ng magnitude 7.7 earthquake na tumama sa Myanmar noong March 28, dahilan ng pagkasawi ng 3,000 indibidwal at pagkawasak ng daan-daang bahay, templo at gusali.

Habang ang bansa ay naghahanda para sa isang potensyal na malakas na paglindol, maliban sa basic na “duck, cover, and hold” procedure, inamin ni Nepomuceno na ang bansa ay malayo sa paggawa ng istraktura na maaaring lumaban sa major earthquakes.

“We have yet to finish a complete structural integrity.

Tags: Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benjamin Abalos

You May Also Like

Most Read