Indian national, na naniningil ng pautang, patay sa pamamaril

By: Philip Reyes

Isang Indian national ang patay nang bigla na lang barilin ng di kilalang salarin habang naniningil ng mga pautang sa Taytay, Rizal nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Singh Gurdev dahil sa tinamong isang tama ng bala sa ulo habang nakatakas naman ang di pa nakikilalang salarin.


Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, dakong alas- 7:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng Old Public Market sa Barangay San Juan, sa Taytay.

Sa salaysay sa pulisya ng isang store owner sa palengke, kasalukuyan umanong naniningil ng pautang ang biktima, nang bigla na lang sumulpot ang salarin mula sa likuran at binaril ang biktima bago mabilis na tumakas.

Masusi nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para sa agaran nitong ikareresolba.


Tags: Taytay Municipal Police Station

You May Also Like

Most Read