NAGPOSITIBO sa coronavirus 2019 si Incoming Undersecretary Jose C. Faustino Jr., at officer-in-charge ng Department of National Defense.
Pisikal na mag-uulat si Undersecretary Faustino para sa trabaho pagkatapos makasunod sa itinakdang panahon ng quarantine. Siya ay fully vaccinated with booster shots at asymptomatic. Pansamantala niyang gagawin ang kanyang mga tungkulin habang naka-isolate.
Nabatid na may nakasalamuha si retired Armed Forces chief of staff , Gen Faustino ng isang indibidwal na positibo sa COVID sa panahon ng isa sa kanyang maraming pakikipag-ugnayan at konsultasyon bago siya pormal na manungkulan kahapon, Hunyo 30, bilang OIC, DND. Ang mga pamamaraan ng pagsubaybay sa pakikipag-ugnay ay isinasagawa.
Ang transition ceremony ay isasagawa at mapapanood ng live ngayong , 1 July, simula 9:30 A.M. sa https://www.facebook.com/DNDPHL. (VICTOR BALDEMOR)