INANG NAGBUGAW NG MGA MENOR DE EDAD NA ANAK SA ONLINE SEX SHOW, DINAKIP NG NBI

By: Baby Cuevas

Arestado sa National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babaeng nagbubugaw diumano sa kanyang tatlong anak na menor de edad para sa sexual online show at exploitation sa San Luis, Ginoog, Misamis Oriental noong Abril 12,2024.

Ang operasyon ng NBI ay naganap matapos na i-refer ng Department of Justice- Office of Cybercrime (DOJ-OOC) ang kaso, kung saan nasagip ng NBI ang tatlong menor de edad na anak ng suspek at dinala sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Nasa aktong iniaalok ng suspek na itinago sa pangalang ‘Grace’ ang kanyang.mga anak na babae para sa online sexual show kapalit ng pera nang maaresto ng mga ahente ng NBI.

Kinumpiska ng NBI ang cellphone ng suspek na naglalaman ng mga hubad na larawan ng mga bata.

Kasalukuyang nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na kinabibilangan ng paglabag sa “R.A. 11930 (Anti- OSAEC and CSAEM Act), R.A. 9208 as amended by R.A. 10364 and further amended by R.A. 11862 (Anti-Trafficking in Persons Law) in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Law), R.A. 7610 (Child Abuse Law) at Rape by Sexual Assault.


Tags: National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD)

You May Also Like