EVERYTIME na umuuwi ng Pilipinas ang Pop Rock Diva na si Rozz Daniels ay hindi niya nakakalimutang makipag-meet sa press people na malapit sa kanya.
Sa America naka-base si Rozz at umuwi ng Pinas para mag-celebrate ng Christmas sa piling ng kanyang pamilya.
Last December 18 ay nagpa-mini presscon ang singer para magbigay ng update hinggil sa kanyang singing career sa abroad.
Nagbigay din siya ng mensahe sa dati niyang nakaalitang icon singer na si Ivy Violan kung saan nauwi pa ito sa demandahan.
Ayon kay Rozz, hindi na raw niya itinuloy ang kanyang reklamo.
Pero hindi na rin daw niya napagkikita ang singer na naka-base rin sa Amerika
Wala na raw siyang balita sa veteran singer.
But in her heart, forget and forget na lang daw ang lahat para everybody happy “tutal naman ay Christmas.”
Ibinalita rin niya isa rin sa dahilan kaya siya umuwi ng Pinas ay para i-revive ang kanta ni Renz Verano na “Ibang Iba Ka Na Nga.”
After ng mini presscon ng Pop Rock Diva ay nagkaroon din siya ng free mini concert na lagi niyang ginagawa.
Kasama ni Rozz Daniels na nag-perform ay sina Jerome Sang, Neli Legaspi, Monica at Lina Torregosa plus ang entertainment editor ng Police Files Tonite na si Ms. Blessie Cirera.
Hindi lang yun, nagpa-Christmas raffle din ang Pop Rock Diva sa entertainment press.
Gusto ni Rozz na maka-collab si Aiza Seguerra, if given daw the chance.
Nakuwento rin niya ang hirap na kanyang dinanas sa Amerika kaya kung may magpo-produce ng kanyang biofilm ang ibig niyang gumanap ay si Sarah Geronimo.
Dream din niyang makapag-guest sa ASAP at maka-jamming ang talented singers ng variety show.