Latest News

Imprenta ng mga balota, natapos na ng Comelec

NATAPOS na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balota para sa May 9, 2022 national and local elections.

Sa isang tweet nitong Sabado, nabatid na hanggang alas-10:28 ng umaga ng Abril 2 ay natapos na ng Comelec ang ballot printing.

“The last of the 67.4M official ballots for the polls was printed at approximately 10:28 a.m.today, April 2,” anunsiyo pa ng poll body.


Sinabi ng Comelec, matapos ang pag-iimprenta, ang mga balota ay sasailalim naman sa beripikasyon.

Nabatid na ang pag-iimprenta ay sinimulan ng Comelec noong Enero 23.

Natapos ito ng Abril 2, na mas maaga kumpara sa target na April 25 deadline.

Ang national at local elections sa bansa ay sa Mayo 9, 2022. (ANDOY RAPSING)


Tags:

You May Also Like

Most Read