Samu’t-saring agricultural products ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Plant industry mula sa magkahiwalay na flight galing sa ibang bansa sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Unang nakumpiska ng BPI ang 2.5 kgs ng persimmon, 0.2 kg blueberries, 0.25 kg apple, 0.25 kg peaches, 2 kgs dates at 3.2 kgs taro na dala ng isang pasaherong Chinese sakay ng PAL flight PR 357 na lumapag sa NAIA terminal 1 mula Jinjiang, China.
Kasama din sa nakumpiska ang 100 grams na oregano at isang artemisia plant.
Sa hiwalay na pangyayari ay kumpiskado din ang 4 kgs na manchurian wild rice, 12.5 kgs na chinese yam tubers, 0.5 kg cauliflower, 1 kg na gabi na dala naman ng isang Chinese passenger sakay ng PAL flight PR 331 mula rin sa China.
Kinumpiska din ng BPI ang 3 kgs fresh medicinal roots dala naman ng isa pang pasaherong dayuhan sakay ng PAL flight PR 596 mula Vietnam.
Ang mga naturang produkto ay naharang ng Bureau of Customs at walang mga kaukulang permit.
Agad namang itinurn-over sa Bureau of Plant industry sa NAIA terminal 1 ang mga produktong nakumpiska para sa tamang disposition ng mga ito.













