By: JANTZEN ALVIN
Isang magkasanib na imbestigasyon ang isasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa alegasyon na may posibleng kinalaman sa “smuggling” ang tatlong barkong sangkot sa naganap na oil spill sa Bataan.
Ayon kay PCG Bataan Station commander Lieutenant Commander Michael John Encina, pinagsa-sama sama na ang
mahalagang impormasyon, mga datos ng mga barko nito kasama ang kanilang crew na kinukunan na ng testimonya.
Itinanggi na umano ng may-ari ng MT Terranova, isa sa lumubog na Motor tanker ang alegasyon na sangkot ang barko nito sa oil smuggling.
Ang MTKR Terranova ay lumubog sa 3.6 nautical miles east off Lamao Point sa Limay, Bataan noong Hulyo 25 at isa sa mga tripulante ang nasawi.
Napag-alaman na sisimulan na ang siphoning operation kung saan may 300,000 litro ng langis ang sisipsipin.
Noong Hulyo 26,lumubog naman ang MTKR Jason Bradley na may kargang 5,500 litro ng diesel sa karagatan ng Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan.
Diumano ay kinontrata ng PCG ang FES Challenger Salvour and Builders para magsagawa ng salvage operation sa motor tanker at sa Huwebes sisimulan ang siphoning operation.
Nitong Hulyo 31 naman ay lumubog ang MV Mirola sa karagatan ng 1 ng Sitio Quiapo, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan.
May 790 litro ng oil-water mixture at limang sako ng oil-contaminated debris ang nakolekta ng PCG.
Base sa inisyal na imbestigasyon,ang tatlong ship ay lumubog dahil sa masamang panahon.
Nasa P1 bilyon umano angi tinatayang danyos sa lugar ng Cavite dahil sa.oil spill at inilagay na sa state of calamity ang siyam na apektadong local government units.