Imbestigasyon sa ambush ng abogado sa Cebu, sinimulan na ng NBI

Inumpisahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa ginawang pananambang at tangkang pagpatay sa isang abogado noong nakalipas na linggo sa Mandaue City.

Nabatid na si Atty. Karen Quiñanola-Gonzales at ang kanyang 19- anyos na anak na si Jeremy Keith ay tinambangan habang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay.


Nabatid na si Quiñanola-Gonzales ay tinamaan ng bala sa leeg habang sa likod naman tinamaan ang kanyang anak at sila ay kapwa isinugod sa pagamutan.

Ayon kay NBI spokesperson Giselle Dumlao,hiniling umano ng.pamilya ng abogado na magsagawa ng imbestigasyon ang NBI.

Ang NBI-Cebu District Office ang nakatalagang magsagawa ng imbestigasyon sa kaso.


Samantala,kinondena ng Free Legal Assistance Group ang ginawang pananambang kay Quiñanola-Gonzales.

Nanawagan rin ang FLAG sa Kongreso na magpasa ng batas na magbibigay ng proteksiyon sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at parusahan ang mga umaatake sa kanila. (Arsenio Tan)


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read

Latest News