Iniutos ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na palalalimin pa ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa pagkakasangkot ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kuwestiyonableng pagkamatay ng 8 inmate sa National Bilibid Prison(NBP) na nasawi umano sa COVID-19.
“We are looking deeper into the matter. There are facts we need to validate from NBI to hold ALL those involved accountable. The issue was discussed and SOJ wanted to validate the facts already presented but would like to inquire more into the incident,”pahayag mulansa tanggapan ni bagong Justice Secretary Boying Remulla matapos ang pakikipag pulong kay NBI OIC Director Eric Distor.
Una nang sinampahan ng kaso ng NBI ang 22 miyembro ng NCRPO matapos kakitaan ng iregularidad at “inconsistencies” ang kanilang affidavit na nagmula sa mga inmates at sevurity footage ng NBP.
Nabatid na noong Hulyo 1, ang death investigation team ng NBI ay napatunayan na mauroon “criminal intent” sa pagkamatay ng high-profile drug convict Jaybee Sebastian at iba pang inmates mula sa national penitentiary na lahat umano ay nasawi dahil sa COVID19
Ayon pa sa NBI ,ginamit ang COVID19 bilang cover up sa pagkamatay ng mga inmates.
“Sinasabi nilang nagpositive at noong patay na noong sinwab test ito ay nag negative,” ayon kay NBI spokeaman Ferdinand Lavin. (Arsenio Tan)