Latest News

Imbentaryo sa mga pulis na may kaso… CASE FOLDER, PINABUBUSISI DIN

By: Victor Baldemor Ruiz

ISINUSULONG ngayon ng mga concerned groups na magkaroon ng imbentaryo ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ng kanilang mga tauhan na nahaharap sa iba’t- ibang kaso.

Kasabay nito ang pagsusuri sa kanilang mga ‘case folders’ at status ng kanilang mga kaso, matapos na lumutang ang ulat na may ilang case folder ng mga pulis na may kaso ang posibleng nawawala.

Napag-alaman na bunsod nito ay ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda, Jr., sa lahat ng PNP regional directors na imbestigahan ang report hinggil sa posibleng pagkawala ng mga ‘case folder’ ng kanilang mga tauhan na sumasailalim sa imbestigasyon.


Ayon kay Acorda, hindi pupuwedeng basta na lamang mawala ang mga dokumento at kailangang managot ang sinumang custodian ng mga records.

Mariing inihayag ni ng PNP chief na kung may kapabayaan sa panig ng mga nag-iingat ng dokumento ay may katapat itong mabigat na kaparusahan.

Hiniling ni Acorda sa lahat ng regional directors na gumawa ng sistema gaya ng ipinatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) hinggil sa pag-iingat ng kanilang mga records.


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read