Latest News

Illegal recruiter, arestado sa Phil. Coast Guard

Dinakip ng Philippine Coast Guard (PCG) kamakalawa sa Baclaran, Parañaque City ang isang umano ay illegal recruiter na nangangalap ng enlisted personnel ng ahensiya.

Napagd-alamang una nang nakatanggap ng reklamo noong Disyembre,2022 ang Coast Guard Intelligence Force (CGIF) mula sa isang aplikante ng PCG kaugnay sa pag-aalok ng Isang Omar Sampang ng sigurado umanong enlistment sa PCG kapalit ang halagang P350,000.

Nang sinabi ng aplikante na hindi niya kaya ang ganung halaga, sinabi umano ni Sampang na maari siyang magbigay ng inisyal na P50,000 kabayaran.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang CGIF nang matanggap ang reklamo at nakipag-ugnayan ito sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para magkasa ng entrapment operation.

Noong Marso 10, 2023 ay inaresto ng pinagsanib na tauhan ng CGIF at PNP-CIDG si Sampang habang tinatanggap ang marked money mula sa CGIF na nagpanggap na PCG applicant.

Nasa ilalim ng kustodiya ng PNP-CIDG si Sampang sa ngayo at nakatakdang sampahan ng reklamong estafa at usurpation of authority.

Kaugnay niyan ay binigyan naman ng babala ng PCG ang publiko na kaagad na i-report ang mga ganitong uri ng recruiter para magawan ng kagyat na aksyon.

Ayon sa PCG, para malaman kung mayroong recruitment na nagaganap ay maaring pumunta lamang sa PCG official Facebook kung saan makikita ang anunsiyo mula sa Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) mismo. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read