ILIs sa Pilipinas, bumaba ng 53%

By: Philip Reyes

Sinabi ng Department of Health (DOH) na bumaba ng 53% ang mga naitalang kaso ng influenza-like illnesses (ILIs) o mala-trangkasong sakit sa bansa.

Ayon kay DOH spokesman at Assistant Secretary Albert Domingo, hanggang Pebrero 1, 2025 ay nakapagtala pa lamang ang bansa ng kabuuang 9,995 ILIs.


Ito ay 53% na pagbaba kumpara sa 21,340 ILIs sa naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Anita, mas mababa rin nama ang naitala nilang pagkamatay dulot ng ILIs na nasa anim lamang, kumpara sa 33 na naitala noong 2024.

Gayunman, patuloy pa ring pinag-iingat ni Domingo ang publiko laban sa ILIs dahil may nakikita pa rin aniya silang trend ng pagtaas ng sakit, ngunit agad nilinaw na hindi naman aniya ito nakakaalarma.



“Kahit ang overall numbers ay 53 percent lower than 2024, may nakikita kaming trend na tumataas, hindi naman siya alarming,” ayon Kay Domingo .

Samantala, inabisuhan rin ni Domingo ang publiko sa advisory ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na pumupunta ng Japan na mag-ingat matapos na kumpirmahin ng Philippine Embassy na tumataas ang influenza cases sa naturang bansa.


“Wala namang outbreak na sinasabi sa Japan, pero nakita ng ating epidemiology bureau… tumataas ang bilang ng mala-trangkasong sakit, influenza like illnesses sa Japan,” dagdag ni Domingo.

Nagsimula umanong tumaas ang ILIs sa Japan noong Nobyembre, pero unti-unti na ring nagsimulang bumaba noong Enero.



Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like