Inilagay ng Department of Justice (DOJ) sa immigration lookout bulletin order (ILBO) ang SUV driver na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City may dalawang linggo na ang nakalipas.
Ito ay matapos sampahan ng kasong frustrated murder at paglabag sa article 275 ng Revised Penal Code laban kay Jose Antonio San Vicente, ng security guard na Christian Floralde.
“yes, the DOJ has issued the ILBO at noon today,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ayon kay Guevarra,aalamin niya kung nasa bansa pa si San Vicente o nakaalis na ng bansa matapos ang insidente.
Una nang tiniyak ni PNP OIC PLt.General Vicente Danao na kaagad na aarestuhin si Vicente sa sandaling lumabas na ang warrant of arrest.laban sa kanya.
“I’m warning you Mr. San Vicente, kung marunong kang umintindi sa sinasabi ko, sana huwag umabot sa puntong maging Santo Vicente ka ,”ayon kay Danao.
Nalaman na si San Vicente ay may nakalipas ng kasi ng reckless imprudence.
Ang insidente ay naganap noong Hunyo 5
Sa Mandaluyong City habang nagmamando ng trapiko ang biktima. (Carl Angelo)