Ilang staff sa New Executive Building ng Malacañang nadale ng COVID

Hindi nakaligtas sa COVID-19 ang ilang staff ng Malacañang sa New Executive Building (NEB) matapos magpositibo ang mga ito sa PCR test at antigen test.

Dahil dito agad na inabisuhan ang mga reporter na nagko-cover sa Malacañang na agad bakantehin ang press working area para ma-disinfect kaagad.


Ang mga staff sa NEB na nagpositibo sa COVID 19 ay may direktang pakikipag-ugnayan sa mga reporter lalo na sa mga usaping may kinalaman sa mga aktibidad ng Presidente.

Iilan lamang ang pumasok na mga journalist ngayong Huwebes sa Malacañang press working area na agad namang umuwi matapos matanggap ang abiso mula aa Office of the Press Secretary.

Bukod sa mga journalists, kasama ring pumapasok sa NEB ang empleyado ng ibang mga tanggapan , mga janitor at mga guwardiya.


Tags: Malacañang

You May Also Like