PATULOY na umano ang ginagawang pag-uusap ng iba’t ibang bansa para sa muling pagbubukas ng Rafah border kasunod ng pag-atake ng militanteng Hamas para makalikas ang mga naipit na mga foreigners kabilang ang ilang Filipino.
Sa ulat ay muling naudlot sa ikalawang pagkakataon ang pagtawid ng mga foreigners kabilang na ang mga Pinoy mula Gaza patungong Egypt dahil sa patuloy na pag-atake ng Hamas sa Israel.
Sa report na ibinahagi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nasa 20 Pinoy ang naudlot sa paglikas dahil sa pag-atake ng Hamas.
Nabatid na naka schedule na lilikas ang mga Pinoy pero hindi ito natuloy dahil sinuspinde ang pagbubukas ng hangganan dahil sa security issues.
Sa ngayon, hindi pa sigurado kung kailan muling bubuksan ang border na magsisilbing tawiran ng mga gustong lumikas mula sa bansang Israel.
Nabatid na may convoy ng apat ambulansya ng International Committee of the Red Cross na may mga sakay na pasyente mula Al Shifa hospital sa Gaza city ang nasa Rafah crossing na rin sa hangganan ng Egypt noong pang araw ng Lunes .
Bukod ito sa dalawang sasakyan ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na sumama sa convoy.
“It is an immense relief to know that these patients are safe and will receive urgent medical care,” pahayag ni William Schomburg, head ng ICRC’s office sa Gaza.
“I can’t emphasize enough how crucial it is that hospitals, medical personnel, and patients are protected amid this violence. There are thousands of critically injured people in Gaza. It is an obligation under international humanitarian law to spare them from harm.”
Bunsod sa nararanasang humanitarian situation sa Gaza na patuloy na lumulubha ay nananawagan na ang ICRC sa mga naglalabang kampo na sundin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng international humanitarian law at gawin ang kanilang makakaya para ilayo sa peligro ang mga medical facilities, vehicles, at mga personnel.
Nabatid na libo libo ng sibilyan ang malubhang nasugatan ang walang ng kakayahan pa na maka tungo sa mga pagamutan at hindi na rin malapatan ng lunas dahil sa kawalan ng gamot at medical supplies.
“Accepting violence against healthcare facilities, now when their role is so critical, will come at an unacceptable cost in human life,” dagdag pa ni Mr Schomburg . “The wounded and sick must be protected in all circumstances.”