Latest News

ILANG MALAKING PERSONALIDAD, POSIBLENG KASUHAN NG ‘INCITING TO SEDITION’ SA PAGTULONG KAY QUIBOLOY

By: Victor Baldemor Ruiz

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng itinatag na Special Composite Team para magsiyasat at magkasa ng matibay na kaso laban sa mga personalidad na nagkanlong kay Pastor Apollo Quiboloy, posible umanong maharap ang ilang personalidad sa kasong ‘inciting to sedition’.

Inihayag ni Police Regional Office 11 Director PBGen. Nicolas Torre III na nasa mahigit 10 indibidwal ang mga tumulong kay Quiboloy upang makapagtago sa mga alagad ng batas mula sa pag-aresto rito.


Ayon kay Torre, posibleng kabilang sa kanilang mga ihahaing kaso ay ang ‘inciting to sedition’ at ‘conspiracy to commit inciting to sedition’ laban sa umano’y ilang “kilalang” indibidwal.

Kasalukuyang kasama si Torre sa pagdinig ng Kamara para sa Budget ng Philippine National Police (PNP) gayundin naman sa pagtatanong ng ilang mambabatas kaugnay ng kanilang naging operasyon sa KOJC Compound.

Una nang ipinag-utos ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG gayundin sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ang pagbuo ng isang Special Composite Team para magkasa ng matibay na kaso laban sa mga nagkanlong kay Quiboloy.


Ang pahayag ni Torre III ay kasunod ng patong-patong na kasong kanilang isasampa laban sa mga ito.


Tags: Pastor Apollo Quiboloy

You May Also Like