Upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Pista ng Nazareno at pagdaraos ng Traslacion 2025, ilang kalsada sa Maynila ang pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko simula Miyerkules ng gabi, Enero 8, hanggang Huwebes, Enero 9, 2025,
Sisimulan ang pagsasara ng mga kalsada mula 9:00PM ng Enero 8 hanggang Enero 9.
Kabilang sa mga naturang kalsada na hindi muna maaaring madaanan ng mga behikulo ay ang mga kahabaan ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang P. Burgos Avenue; Katigbak Drive at South Drive (One Lane Accessible to Manila Hotel and H2O Hotel; Kahabaan ng Independence Road; Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang U.N. Avenue; P. Burgos mula Roxas Boulevard hanggang Jones, McArthur, at Quezon Bridge; Finance Road mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue; Ma. Orosa St. mula T.M. Kalaw hanggang P. Burgos Avenue; Taft Avenue mula U.N. Avenue hanggang P. Burgos Avenue; Romualdez mula U.N. Avenue hanggang Ayala Boulevard; Ayala Avenue mula Taft Avenue hanggang Romualdez St.; C. Palanca St. mula P. Casal hanggang Plaza Lacson; P. Casal mula C. Palanca hanggang Arlegui St.; Legarda St. mula C.M. Recto Avenue hanggang Arlegui St.; Quezon Boulevard mula Fugoso St. hanggang Quezon Bridge at westbound Lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma St..
Kaugnay nito, pinayuhan ang lahat ng mga sasakyang bibiyahe sa southbound ng Mel Lopez Boulevard (R-10) patungong Roxas Boulevard, na kumaliwa sa Capulong St., diretso sa Yuseco St. hanggang sa Lacson Avenue patungo sa kani-kanilang destinasyon.
Ang lahat naman ng sasakyan na bibiyahe sa southbound ng J. Abad Santos Avenue / R. Regente patungong Intramuros Area, ay dapat na kumanan sa San Fernando St., kaliwa sa Madrid St., kaliwa sa Muelle Dela Industria hanggang Binondo-Intramuros Bridge at A. Soriano Avenue hanggang sa kanilang destinasyon o di kaya ay dumaan sa Juan Luna St., kanan sa Muelle Dela Industria hanggang sa Binondo-Intramuros Bridge.
“All vehicles traveling southbound of Rizal Avenue intending to utilize McArthur Bridge going to the south area, shall turn left to C.M. Recto Avenue, left to Legarda Street, to the point of destination,” ayon sa abiso ng Manila Public Information Office.
Ang mga sasakyan naman na bibiyahe sa southbound ng A. Mendoza St. papuntang Quezon Boulevard, ay dapat na kumanan sa Fugoso St. at Rizal Avenue, hanggang sa kanilang point of destination.
Lahat naman ng behikulo na bibiyahe sa westbound lane ng España Boulevard patungong Quezon Boulevard ay dapat na kumaliwa sa N. Reyes St., hanggang sa C.M. Recto Avenue, hanggang sa kanilang destinasyon.
Samantala, ang mga sasakyan namang bibiyahe sa northbound ng Roxas Boulevard patungong P. Burgos Avenue ay maaring kumanan sa U.N. Avenue, diretso sa P. Guanzon St. hanggang sa Mabini Bridge patungo sa kanilang destinasyon.
Ang lahat naman ng trucks at trailers na bumibiyahe sa northbound ng Roxas Boulevard patungong Mel Lopez Boulevard (Pier Area) ay maaaring kumanan sa Pres. Quirino Avenue Mabini Bridge hanggang sa kanilang point of destination.
“All vehicles traveling northbound of Taft Avenue going to P. Burgos Avenue shall turn right to U.N. Avenue, straight to P. Guazon Street to Mabini Bridge to the point of destination,” anito pa.
Ang lahat naman ng trucks at trailers na bumibiyahe sa northbound ng Osmeña Highway patungong Mel Lopez Boulevard (Pier Area) ay dapat na kumanan sa Pres. Quirino Avenue, hanggang sa Mabini Bridge patungo sa kanilang destinasyon.
Ang mga sasakyan naman na mula sa A. Mabini St. at dadaan ng T.M. Kalaw Avenue ay maaaring kumanan sa U.N. Avenue, diretso sa P. Guanzon St. hanggang sa Mabini Bridge hanggang sa kanilang point of destination.
“Closure of some streets will be in effect as the procession approaches,” ayon pa sa traffic advisory.














