Ilang biyaherong Chinese, positibo sa COVID

May ilang biyaherong Chinese national na mula mismo sa China ang nag-positibo sa COVID -19 at sumasailalim.na ang mga ito sa isolation.

Ayon kay Bureau of Quarantine (BOQ) deputy director Roberto Salvador, Jr., marami nang Chinese nationals ang dumating sa bansa at iyong mga hindi naka-kumpleto ng kanilang primary vaccine series ang inobliga na sumailalim sa COVID-19 testing.

“Marami nang dumadating na Chinese pero iilan lang naman ‘yung mga nire-require natin na mag-antigen test—‘yung mga partially- vaccinated. Meron ding nag-positive at ngayon naka-isolate naman po doon sa mga isolation facilities natin,” ayon kay Salvador.


Hindi naman ibinigay ni Salvador ang eksaktong bilang ng mga biyahero mula China na nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Pilipinas.

“Kaunti lang po sila. Pero itong mga nag-positive na ito, nag-positive po ito dahil required sila ng antigen test dahil pumasok sila rito na walang testing, non-vaccinated sila o partially vaccinated,” ani Salvador.


Nabatid na ang.mga dayuhang biyahero na hindi kumpleto ang bakuna ay inoobliga na magprisinta ng negatibong antigen o RT-PCR test result pagdating sa bansa.

Ang sample ng mga nag-positibo sa COVID ay dadalhin sa Philippine Genome Center para ma-determina kung ano ang dala nilang variant.


Una nang inatasan ng Department of Health (DOH),ang BOQ na paigtingin ang quarantine protocols sa mga biyahero mula China. (Anthony Quindoy)

Tags: Bureau of Quarantine (BOQ) deputy director Roberto Salvador, Jr.

You May Also Like

Most Read